Huwebes, Nobyembre 6, 2014

Teksto: Nagkakaiba,Nagkakapareho sa Maraming Aspekto


Isa ang India sa mga bansang nasa Timog Asya. Hindi lingid sa karamihan na ang bansang ito ay may napakaraming tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay. Nagtatanong, nagtataka kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito. Halimbawa, ang Namaskar o Namaste ay ang pinakatanyag na uri ng pagbati ng mga Hindu. Ito ay parehong isinasagawa kapag bumabati sa pagdating o kaya ay namamaalam. Pinagdaraop nila ang kanilang dalawang palad at inilalagay sa ibaba ng mukha.

Samantala, kabilang naman sa Silangang Asya ang bansang Singapore. Dati itong kabilang sa bansang Malaysia ngunit nagsarili lamang noong 1965. Iba-iba ang nasyonalidad at kultura ng mga naninirahan sa bansang ito subalit lahat ay may kalayaan sa wika at sa relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang paniniwala ng iba kaya’t kahit magkakaiba ang paniniwala ng mga Singaporean, hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-unlad. Sa halip na magkawatak-watak, humanap sila ng paraan upang makita ang magagandang katangian ng kanilang kultura para mapaunlad pa ang kanilang bansa. Bukas na bukas sa pagbabago at kaunlaran ang bansang ito kaya maraming dayuhan mula sa mayayamang bansa ang nangangalakal dito kahit pa mahigpit ang pagpapatupad ng kanilang mga batas dito. Mahigpit na sinusunod ng lahat ang mga batas maging ng mga mamamayan o ng mga dayuhan man.

Sadyang mabilis ang pagsulong ng kaunlaran sa bansang ito. Idagdag pa ang katotohanang isa ito sa mga sentro ng teknolohiya.

Sa dalawang bansang nakapaloob dito, maaaring may mas nakahihigit sa kanilang mga katangian bilang isang bansa. Maaaring pareho sila sa ibang bagay subalit may mga pagkakaiba. Halimbawa, higit na mas mabilis ang pag-unlad ng isa sa isa, lalong maraming tradisyon ang isa sa isa, parehong maunlad sila pagdating sa wika, at pareho itong kabilang sa mga bansa sa Asya.

Nagkakaiba man sa maraming bagay,nagkakatulad naman sa ibang aspekto.

Photo credits: http://www.worldatlas.com/webimage/countrys/asnewzzz.gif

17 komento:

  1. mga salitang nag papakita nang paghahambing na matatagpuan sa binasang teksto

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. magkawatak-watak
      mas mabilis
      lalong
      kabilang
      halos
      magkakaiba/nagkakaiba
      magaganda
      napakarami
      nagkakapareho
      higit na
      pareho
      mas nakahihigit
      lamang
      samantala
      nagkakatulad
      pinakatanyag
      Sana po nakatulong...

      Burahin
    2. Salamat sayo

      Burahin
  2. Ano po yung mga nagpapakita ng paghahambing na salita

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hmmm.. I think ano
      Nang pitoy, vagina, pacman, virgin doggystyle

      Burahin
  3. Salamatt 5 nahh utak ko

    TumugonBurahin
  4. wala bang makatotohanan at di makatotohanan dito?

    TumugonBurahin
  5. Ano yong mga salitang nagpapakita ng paghahambing na matatagpuan sa binasang teksto na nagkakaiba nagkakapareho sa maraming aspeto

    TumugonBurahin